KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pí•pi

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Táong hindi makapagsalita, karaniwang mula sa pagkabatà.

Paglalapi
  • • mapípi: Pandiwa

pi•pî

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Lumang tawag sa babaeng hindi nanganganak.

pi•pî

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Naging sapad o manipis dahil sa matinding puwersa o pagdagan ng anumang mabigat.
LAPIRÁT, PISÂ

Paglalapi
  • • mapipî, pipiín : Pandiwa
  • • pipíng-pipî: Pang-uri

pí•pi

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nauukol sa sinumang hindi makapagsalita (lalo kung mula sa pagkabata).

Paglalapi
  • • mapípi: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?