KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pi•sâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
pisar
Varyant
pi•sát
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Pagkabiyak ng itlog at paglabas ng anumang organismo mula rito.

2. Pagkapipî o pagkabasag ng marurupok o malalambot na bagay (gaya ng kamatis, itlog, atbp.).

Paglalapi
  • • pamisáan : Pangngalan
  • • magpisâ, mamisâ, mapisâ, pisaín, pumisâ : Pandiwa

pi•sâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Napipî o nabasag na dahil sa pagkakadagan ng anumang mabigat.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?