KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ga•wî

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang nakasanayan o palagiang paraan ng pagkilos.
Naging gawi na niya ang pagpapaliban sa mga takdang gawain.
KAGAWIÁN, MÓDO, UGALÌ

2. Panig ng isang pook.
Sa gawing kanluran matatagpuan ang bahay ng kaibígan ko.
DÁKO, BAHÁGI

Paglalapi
  • • kagawián, kinágawián: Pangngalan
  • • gawiín, gumawî, igawî, magawî: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.