KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bá•nat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-uunat ng bagay na lukót o baliko ang isang bahagi.

2. Pag-uunat ng anumang materyal na pleksible.
BÁTAK, HÍLA

3. Kilos ng pananakit sa isang tao (lalo na bílang resulta ng away).
BUGBÓG, GULPÍ, TÍRA

4. Tingnan ang batíkos

Paglalapi
  • • banátin, binánat, pambánat: Pangngalan
  • • mabánat: Pandiwa
Idyoma
  • magbanát ng butó
    ➞ Magtrabaho.
    Kailangan mong magbanát ng butó para sa iyong pamilya.

ba•nát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakaunat (ang anumang materyal na pleksible).
Banát na banát ang kaniyang buhok.

2. Tingnan ang matíkas
Kabilang siyá sa mga laláking banát magdamit.

Idyoma
  • banát ang katawán
    ➞ Sanáy sa gawain.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.