KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•tí•kos

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpuna sa mga gawain ng isang tao (lalo na kung sa ipinahayag sa publiko).
BÁNAT, KANÂ

2. Pag-uukol ng mga hindi kanais-nais na pahayag sa sinuman.
ATÁKE, SALÁKAY

Paglalapi
  • • pagbatíkos, pambabatíkos: Pangngalan
  • • batikúsin, binatíkos, mambatíkos: Pandiwa
  • • pambatíkos: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.