KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•si•ká•so

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
hacer caso
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Pag-uukol ng pansin, panahon, paglilingkod, atbp. para sa kapakanan ng sinuman o anuman.
ATINDÍ, ÍNTINDÍ, PAG-ALALÁ, PAG-IINTINDÍ, PANGANGALAGÀ

2. Mabuting pagtanggap sa isang tao, lalo kung may hinihiling.

a•si•ká•so

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Pinag-uukulan ng pansin at panahon.
Asikáso ng kaniyang ina ang kaniyang pag-aaral.
ALAGÀ, ESTIMÁDO, KALINGÀ

Paglalapi
  • • pag-aasikáso, tagaasikáso, tagapag-asikáso: Pangngalan
  • • asikasúhin, paasikáso: Pandiwa
  • • maasikáso, mapág-asikáso: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.