KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•la•gà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pangangasiwa sa ikabubuti ng kapakanan ng anumang entidad (may búhay man o wala).
ALAGATÂ, ARUGÂ, PANGANGALAGÀ

2. Tao o hayop na pinag-uukulan nitó.
Mabait sa lahat ng bisita ang alagà kong aso.

3. Tingnan ang pag-ampón

4. Tingnan ang pangangasiwà

Paglalapi
  • • pag-aalagà, pag-alagà, pangangalagà: Pangngalan
  • • alagáan, inalagáan, mag-alagà, mangalagà, pangalagáan: Pandiwa
  • • maalagà, mapangalagáan, naaalagáan, álagaín: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.