KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•ru•gâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pag-aalaga at pagmamahal sa isang hindi nakapagsasarili (gaya ng sanggol, matanda, o may kapansanan).
ANDUKHÂ, KALINGÀ, KANDÍLI, KUPKÓP, ÍWI, SUPÓRTA, TANGKÁKAL, TANGKÍLIK

Paglalapi
  • • pag-aarugâ, pag-arugâ, tagapag-arugâ, árugaán: Pangngalan
  • • arugaín, inarugâ, ipinaarugâ, mag-arugâ, umarugâ: Pandiwa
  • • maarugâ, mapág-arugâ: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.