KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

an•dár

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Takbo ng isang makina, sasakyán, o aparato.

2. Pagsulong ng isang negosyo.
ABÁNTE

Paglalapi
  • • pag-andár: Pangngalan
  • • magpaandár, mapaandár, paandarín, pinaandár, umandár: Pandiwa
  • • umáandár: Pang-uri
Idyoma
  • paandár
    ➞ Buladas, pakulo, o palabas na ang layon ay makontrol o mapaniwala ang kapuwa.
    Mahilig sa paandár ang táong sinungaling.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.