KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•bán•te

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
avante
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Pagsulong ng anuman sa isang rabáw tulad ng paglakad ng tao o pag-andar ng sasakyán.

2. Bagay na dahilan upang maging lamáng o nakahihigit sa anumang katangian.
Sampung boto ang abánte ni Manuel kay Carlos.

3. Utos na pag-atake sa pakikipaglaban.

Paglalapi
  • • pag-abánte: Pangngalan
  • • makaabánte, paabántehín, umabánte: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.