KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sí•kat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ASTRONOMIYA Paglitaw ng araw sa umaga at ng buwan at mga bituin sa gabí.

2. Tingnan ang ningníng

3. Pagkatanyag ng isang hindi pa lubhang kilalá, dahil sa isang mahalagang bagay na nagawa.

Paglalapi
  • • kasikátan, pagpapasíkat, pagsíkat, pasíkat: Pangngalan
  • • mapagpasikatán, pasikátin, sikátan, sumíkat: Pandiwa
  • • pasíkat: Pang-uri
Idyoma
  • sumíkat na bituín
    ➞ Naging tanyag na artista.

si•kát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Kilalá ng marami.
TANYÁG, BANTÓG, PAMÓSO, POPULÁR

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.