KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tan•yág

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Kadalasang lumilitaw o kilalá sa maraming dáko.
Tanyág na manunulat ang isang kaibígan ko.
BANTÓG, DISTINGGÍDO, KILALÁ, PAMÓSO, PROMINÉNTE, SIKÁT

Paglalapi
  • • katanyagán: Pangngalan
  • • ikatanyág, itanyág, mapatanyág, matanyág, patanyagín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.