KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•li•bug•hâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
paribhoga
Pinagmulang Wika
Sanskrit
Kahulugan

1. Táong labis-labis at walang katwiran kung gumasta ng pera o anumang yaman.
GASTADÓR

2. Táong iresponsable.

a•li•bug•hâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
paribhoga
Pinagmulang Wika
Sanskrit
Kahulugan

1. Tingnan ang iresponsáble

2. Nauukol sa táong labis-labis at walang katwiran kung gumasta ng salapi o anumang yaman.
BULAGSÁK, LUSTÁY, AKSAYÁ, WALDÁS, GASTADÓR

3. May masamáng asal.
SUWAÍL, LÓKO

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.