KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gas•ta•dór

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Táong mapag-aksaya ng pera o gumagastos sa mga bagay na hindi gaanong mahalaga.
Hindi ko ipinagkakatiwala ang pera sa mga gastadór.

gas•ta•dór

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Labis-labis kung gumasta o mapag-aksaya ng pera.
Madalas na nauubusan ng pera ang gastadór kong hipag.
BULAGSÁK, BUYAYÂ

Paglalapi
  • • kagastadurán: Pangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.