KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

lá•bis


Pangngalan

1. Kahigitan sa takdang súkat o dami.
SÓBRA

2. Anumang natirá na higit sa kailangan.
LABÍ, SOBRÁNTE

3. Pang-aabuso sa kapangyarihan o karapatan.

  • • kalabisán, pagmamalabís, pagpapakalábis, pagpapalábis: Pangngalan
  • • lumábis, magmalabís, magpakalábis, pagmalabisán, palabísan: Pandiwa
  • • lábis-lábis, mapagmalabís, palábis: Pang-uri
  • waláng lábis at waláng kúlang
    ➞ Hustong-husto; tamang-tama.

lá•bis


Pang-uri

Higit sa takdang súkat at dami.
KAPÍN, MASYÁDO

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.