KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

la•bí


Pangngalan

1. Tingnan ang tirá

2. Tingnan ang bakás
Nababanggit sa kasaysayan ang mga labí ng isang matandang kabihasnan sa Mesopotamia.

3. Tingnan ang bangkáy

  • • nalabí, nalalabí: Pang-uri
  • labíng-áso
    ➞ Dalagang itinanan ng laláki at muling isinauli o kinuha ng mga magulang.
    Labíng-áso si Loida kayâ, hiyang-hiya siya sa mga kaibígan.

la•bì


Pangngalan

1. ANATOMIYA Bahagi ng bibig na nása dákong labas.

2. Tabí o gilid ng bibig ng isang bagay.
May básag ang labì ng basong ininuman niya.

3. Tingnan ang bíngit
Nása labì ng bangin ang bátang nagpapalipad ng saranggola.

  • • paglabì: Pangngalan
  • • labían, lumabì, manlabì: Pandiwa
  • • labián: Pang-uri
  • tahiín ang labì
    ➞ Patahimikin, magsawalang-kibo.
  • nasusían ang mga labì
    ➞ Hindi nakapangusap o hindi nakakibo.
  • nása labì ng kamatáyan
    ➞ Malapit nang mamatay.
  • may gátas pa ang labì
    ➞ Musmos pa; batang-batà pa.
  • labì ng húkay
    ➞ Libíngan.
  • tikóm na labì
    ➞ Hindi masalita, tahimik, laging walang kibo.
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.