KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ha•lí•gi


Pangngalan

ARKITEKTURA Bahagi ng isang estruktura (lalo ng gusali) na nakabaón sa lupa ang punò at nagdadalá ng buong bigat.
PÓSTE, SÚHAY, TÚKOD

  • • paghahalígi: Pangngalan
  • • maghalígi: Pandiwa
  • halígi ng tahánan
    ➞ Patalinghagang tawag sa amá.
    Wala na ang halígi ng tahánan kayâ hiráp ang pamilya sa pagsasaka.
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.