KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

sú•hay


Pangngalan

1. Tukod na pasandig sa bagay na mabuway ang pagkakatayô upang hindi mabuwal.
SUPÓRTA

2. Pansamantalang tangkilik o tulong.

3. Táong tagatustos o ang inaasahang magbibigay ng suporta.

  • • pangsúhay: Pangngalan
  • • ipansúhay, magsúhay, masuháyan, pasuháyan, suháyan: Pandiwa
  • súhay ng tahánan
    ➞ Tumutukoy sa gampanin ng ama; haligi ng tahanan.
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.