KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

ba•kás


Pangngalan

1. Marka ng anuman, lalo na ng yapak o ng paghawak.
Kitang-kita ang bakás ng paa mo sa makintab na sahig.
DASTÔ

2. Tanda ng pagkakakilanlan ng anumang nakalipas na.
Hindi mawawala ang bakás ng mahuhusay na tao sa kasaysayan.
LABÍ, TRÁSA

  • • bakasín, mabakás: Pandiwa
  • sumunód sa bakás ng amá
    ➞ Tumulad o magmana sa amá.
    Sa tatlong anak ni Dr. Santos, si Karyo lámang ang sumunód sa bakás ng amá.
  • bakás ng kahápon
    ➞ Palatandaan o alaala ng lumipas.

bá•kas


Pangngalan

Pinagsáma-sámang pera sa isang gawain na maaaring magdulot ng pagkatálo nitó, gaya sa negosyo at sugal.
SÓSYO, BAKÁSAN

  • • bakásan, pagbabákas: Pangngalan
  • • bumákas, ibákas, magbákas, makabákas, makibákas, pabakásan, pabakásin: Pandiwa
  • • magkabákas: Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ang mga wikà sa Pilipinas ay kabílang sa pamilya ng wikang Austronesian. Tinatayang may humigit-kumulang 135 katutubong wikà sa bansa at 40 rito ang nanganganib nang mawala.