KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

tu•bò


Pangngalan

1. Proseso ng likás na paglaki ng isang halaman kung napangangalagaan.
LAGÔ, YÁBONG

2. Paglitaw ng anumang organikong substance (lalo kung kumakalat).

3. Sinumang taal na mula sa isang pook.

4. Dagdag na halaga sa presyo ng anumang ipinagbibili upang magsilbing pakinabang.
ENSÍMA, GANÁNSIYÁ, LABÂ, PÁTONG

  • • katutubò, pagpapatubò, pagtubò, patubò: Pangngalan
  • • magpatubò, magtubò, matubò, patubúan, patubúin, tumubò: Pandiwa
  • túbong lúgaw
    ➞ Malaking kíta mula sa maliit na puhunan.

tu•bó


Pangngalan

BOTANIKA Halamang-damo (Saccharum officinarum) na tumataas nang hanggang 5 metro, mahabà ngunit makitid ang dahon, lunti at lila ang katawan, at ginagamit sa paggawa ng asukal, sukà, atbp.

  • • magtubó: Pandiwa

tú•bo


Pangngalan
Espanyol

Mahabà, payat, at hungkag na silindrong ginagámit na daluyan ng likido.

  • • magtúbo: Pandiwa
  • • pantúbo: Pang-uri
Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ipinagdiriwang ngayong Setyembre ang ika-126 Buwan ng Lingkod Bayan bilang pagpupugay sa higit dalawang milyong kawaní ng pámahalaán