KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

la•gô


Pangngalan

Dami, kapal, o unlad ng anuman.
KALAGUÁN, LÁBAY, TUBÒ, YÁBONG, YAMUNGMÓNG

  • • kalaguán, paglagô: Pangngalan
  • • laguán, lumagô, magpalagô, mapalagô, palaguín: Pandiwa
  • • laguín, malagô, pinalagô: Pang-uri

la•gô


Pangngalan

BOTANIKA Tingnan ang kasubhâ

lá•go


Pangngalan

1. Paglikom o pagkuha nang marami.
BÚLTO

2. Buong piraso o piyesa (tulad ng isang rolyo ng tela).

3. Buong habà.

4. Tingnan ang kabuoán

  • • lagúhin: Pandiwa

la•gô


Pang-uri

Tingnan ang malagô
Ang lagô ng halaman ni Aling Sita.

Tampok na Salita
Alam mo ba?
Ipinagdiriwang ngayong Setyembre ang ika-126 Buwan ng Lingkod Bayan bilang pagpupugay sa higit dalawang milyong kawaní ng pámahalaán