KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•yô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tuwid na ayos ng katawan habang nakatapak sa isang rabáw.
TINDÍG, TÍKAS

2. Tawag din sa itsura ng anuman sa posisyong ito.

Paglalapi
  • • katayúan, pagtatayô, pagtátayuán : Pangngalan
  • • ipatayô, itayô, magtayô, matayô, papanayuín, patayuán, tayuán, tumayô: Pandiwa
  • • nakatayô, patayô: Pang-uri
Idyoma
  • matíbay ang tayô
    ➞ Walang panganib o bantang maaalis sa pinaglilingkurang tanggapan.

tá•yo

Bahagi ng Pananalita
Panghalip
Kahulugan

Panghalip panao, nása kaukulang palagyo, unang panauhan, maramihan, at sumasaklaw sa nagsasalita at sa kinakausap.

Paglalapi
  • • pantáyo-táyo: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?