KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tin•díg

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtayô mula sa pagkakaupô.

2. Tiyak na taas ng posisyong ito.

3. Pamamalaging walang tinag sa isang puwesto.

4. Tingnan ang tíkas
Maganda ang tindíg ni Joseph.

5. Tingnan ang paninindígan

Paglalapi
  • • pagtindíg, pagtitindíg, paninindígan: Pangngalan
  • • itindíg, magtindíg, magtindígan, manindígan, panindigán, patindigán, tindigán, tumindíg: Pandiwa
  • • nakatindíg, patindíg: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?