KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•pát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tuwirang kaharap ang isang bagay.
Nása tapát ako ng panaderya.
TÚNAY

Paglalapi
  • • tapátan: Pangngalan
  • • itapát, pagtapatín, tapatán, tumapát: Pandiwa
  • • magkatapát, matapát: Pang-uri

ta•pát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tunay ang inilalahad at walang pagsisinungaling (kung sa isang tao o pahayag).
Walang kapantay ang tapát na pag-ibig.
LANSÁK, ONÉSTO, WAGÁS, DALÍSAY, SINSÉRO

Paglalapi
  • • katapátan, pagkamatapát, pagtatapát, tapátan: Pangngalan
  • • magtapát, pagtapatán: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?