KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•lí•say

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. (Sa anumang substance) walang halò, malinis, at malinaw.
LANTÁY, LIKÁS, PÚRO, TAGANÁS

2. Tapat at napakabuti.
BUSÍLAK, WAGÁS

Paglalapi
  • • pagdalísay, pagdadalísay, pagpapadalísay: Pangngalan
  • • dalisáyin, dumalísay, magdalísay, magpadalísay: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?