KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pú•ro

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Walang halò.
DALÍSAY, LANTÁY

2. Sa sugal, naghihintay na lámang ng paglabas ng hulíng katambal na numero o baraha upang tumamà o manalo.

3. Tiyak at hindi nagmintis (kung sa pagkabaril).

Paglalapi
  • • mamúro, purúhan: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.