KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tam•bák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpupunô ng lupa, bató, at mga katulad na materyal sa isang dáko (lalo na kung mayroong lalim).

2. Paglalagay ng anumang bagay sa isang dáko at nang walang kaayusan.

3. Tawag din sa nabubuong anyo nitó.
BUNTÓN, TÁBON, TUMPÓK

Paglalapi
  • • pagtatambák, tambákan: Pangngalan
  • • ipatambák, itambák, magtambák, matambák, pagtambakín, patambakán, tambakín: Pandiwa
Tambalan
  • • santambákPangngalan
  • ➞ Isang bunton ng maraming bagay.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?