KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tá•bon

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagtatambak ng anuman sa isang húkay o bútas.

2. Tawag din sa anumang itinatambak dito.

3. Saplad na yarì sa lupa o bató, na inilalagay sa ilog upang mailihis ang agos nitó.

Paglalapi
  • • pagtatábon: Pangngalan
  • • ipantábon, itábon, magtábon, pagtabúnin, patabúnan, tabúnan: Pandiwa

tá•bon

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Ibon (Megapodius cumingii) na bihirang lumipad, may malalakíng paa, matingkad na pulá ang palibot ng matá, at abuhing may bahid ng kayumanggi ang katawan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?