KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•gâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpapatama ng malaking patalim (lalo na ng itak) sa anuman.

2. Tawag din sa hiwa na likha nitó.

3. PANGINGISDA Tingnan ang kawíl

Paglalapi
  • • pagtagâ, tagáan: Pangngalan
  • • itagâ, magtagáan, magtagâ, managâ, pagtagaín, pagtatagaín, tagaín, tumagâ: Pandiwa
Idyoma
  • tinagâ sa présyo
    ➞ Napagbentahan sa masyadong mahal na halaga.
  • tagâ sa panahón
    ➞ Káyang tanggapin ang anumang pagsubok o husto sa karanasan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.