KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•gò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglalagay ng anuman sa dákong hindi makikíta ng iba.

2. Anumang kilos upang hindi makíta ng iba ang sarili (gaya ng pagtúngo sa ibang dáko, pagtatakip ng isang materyal, atbp.).
KANLÓNG, KUBLÍ

Paglalapi
  • • pagtagúan, pagtatagò, taguán: Pangngalan
  • • ipatagò, itagò, magpatagò, magtagò, pagtagúin: Pandiwa
  • • pinagtagúan, tagô: Pang-uri

ta•gô

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nása dákong hindi madalíng makíta.
KUBLÍ, LINGÍD, LÍHIM

Paglalapi
  • • patagô: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?