KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kub•lí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang tagò
Hindi maayos ang kublí niya sa larawan ng kaniyang hinahangaan, kayâ nakita ito ng kaniyang mga kaibigan.

2. Dáko o lugar na tagô

Paglalapi
  • • kublíhan, pagkukublí: Pangngalan
  • • ikublí, kumublí, magkublí, mangublí : Pandiwa
  • • pakublí: Pang-abay

kub•lí

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang tagô
Ang bahay nila ay nása dákong kublí ng kagubatan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?