KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tá•ngos

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. HEOLOHIYA Bahagi ng lupa na nakaungos sa isang láwas ng tubig.
KÁBO

2. Pagiging matulis ng ilong (sa halip na pango).

Paglalapi
  • • katangúsan: Pangngalan
  • • mapatángos, patangúsin, tumángos: Pandiwa
  • • matángos: Pang-uri
Idyoma
  • tumángos ang ilóng
    ➞ Magmalaki dahil sa papuri.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.