KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tá•ka

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. SINING Proseso ng pagsasapin-sapin ng sapal na papel sa pamamagitan ng pandikit na inihuhulma sa nais na anyo.

2. Tawag din sa likhang-sining na bunga nitó.
PAPER MACHE

ta•kà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglalagay ng anumang guhit, hugis, larawan, atbp. sa pamamagitan ng pagtatatak.
KINTÁL, MARKÁ, TÍMBRE

2. Kasangkapang pantatak, gaya ng selyador.

ta•ká

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Gúlat na may kahalong paghanga dahil sa anumang hindi inaasahan, hindi kilála, o hindi maipaliwanag.
GILÁLAS, MANGHÂ

2. Damdáming nag-uudyok sa tao na magtanong at magsiyasat dahil sa hinala o duda.

Paglalapi
  • • pagtataká: Pangngalan
  • • ipagtaká, magtaká, mapataká, pagtakhán, papagtakahín: Pandiwa
  • • kataká-taká : Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.