KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tím•bre

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Aparatong de-pindot na tumutunog upang humudyat sa anuman.

2. Pag-alerto sa sinuman tungkol sa isang bagay na dapat pag-ingatan (lalo na kung may ginagawang ipinagbabawal).

Paglalapi
  • • natímbrehán, tumímbre, tímbrehán: Pandiwa

tím•bre

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Tatak na titik, tambilang, o iba’t ibang larawan at hugis.

2. Tawag din sa pantatak nitó.

Paglalapi
  • • pagtímbre: Pangngalan
  • • tímbrehán: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.