KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

su•kà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Likido na pinaásim mulâ sa niyog, bulé, bigas, at iba pa na karaniwang ginagawang pampalása sa mga lutuíng ulam at ginagawang sawsáwan.

Paglalapi
  • • magsusukâ, panukà, sukaán: Pangngalan
  • • ipanukà, isukà, magsukà, magsusukà, sukáan: Pandiwa

sú•ka

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

MEDISINA Hindi sinasadyang paglabas ng lamán ng tiyan kung sumasamâ ang sikmura o masakít ang tiyan.

Paglalapi
  • • magsusuká: Pangngalan
  • • isúka, magsuká, masúka, pasukáhin, sumúka: Pandiwa
Idyoma
  • isinúka ng lahát
    ➞ Ayaw pakitunguhan ng lahat; walang nagkakagusto.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?