KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

si•rà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bahagi ng anumang nawala sa maayos na anyo o naging maproblema ang paggana.
PINSALÀ

2. Tingnan ang pánis

3. Pagpapasamâ sa kapuwa.

Paglalapi
  • • kasiraán, pagkasirà, pagsirà : Pangngalan
  • • ipasirà, magkasirà, magpakasira, manirà, masirà, pagsiráin, siráan, siráin, sumirà: Pandiwa
  • • mapagsirà, mapanirà: Pang-uri

si•râ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nagkaroon ng kabawasan sa maayos na anyo (gaya ng púnit).
DEPEKTÍBO

2. Hindi na napagagana; hindi gumagana nang maayos.

3. Tingnan ang panís

4. Nauukol sa táong wala sa tamang pag-iisip, karaniwang bílang biro lámang.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?