KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•nis

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkasira ng pagkain na ang palatandaan ay pangangasim ng lasa.

2. Pananatili nang matagal sa isang tungkulin nang walang tinatanggap na dagdag na sahod.

Paglalapi
  • • mapánis : Pandiwa
  • • mapanisín: Pang-uri

pa•nís

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Umasim o nabulok na (kung sa ulam).

Paglalapi
  • • kapanisán, pinanís: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!