KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bu•lók

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hindi na sariwa sa antas na hindi na makabubuting kainin.
Ang bulók na prutas ay masamâ sa katawan.
SIRÂ, LUPÓG, GATÔ, MANÍS, BUTÓD

2. May masamâ o hindi kanais-nais na kaayusan.
Sawâ na akó sa bulók na sistema sa aming barangay.

Paglalapi
  • • kabulukán, pagkabulók: Pangngalan
  • • mabulók: Pandiwa
  • • nabúbulók: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.