KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

si•mâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. PANGINGISDA Lambat na panghúli ng isda, na may masisinsing mata at malalim na pusod.

2. Pangingisda sa pamamagitan nitó.

si•mâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagsimot o pagkuha nang walang itinitiráng anuman.

si•mà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Matulis na kalawit o kawil sa dulo ng palaso, sibat, o tagâ.
SÁGAT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.