KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•nay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ISPORTS Pagpapalakas ng katawan sa pamamagitan ng palagiang paglalaro o pag-eehersisyo.

2. Paraan ng paulit-ulit na paggawa ng isang gawaing ibig matutuhan nang lubusan.
ENSÁYO, PRAKTÍS

Paglalapi
  • • kasanayán, pagsasánay, pinagsanáyan, sanayán, tagapagsánay: Pangngalan
  • • ipasánay, magsánay, mapagsanáyan, masánay, nagsánay, pagsanáyin, pinagsánay, sanáyin, sinánay: Pandiwa
  • • pinagsánay, tagasánay: Pang-uri

sa•náy

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Marunong na; may malawak na karanasan.
BETERÁNO, BIHASÂ, DATÍHAN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?