KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bi•ha•sà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Táong nagtataglay ng kasanayan at karanasan sa isang gawain.

Paglalapi
  • • pamimihása: Pangngalan
  • • mamihása: Pandiwa

bi•ha•sà

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Varyant
bi•ha•sâ, bi•há•sa
Kahulugan

1. Mahusay sa isang gawain dahil sa karanasan at pagsasanay.
Bihásang mánunudlâ si Liza.

2. Nakagawian.
Bihasà sa karalitaan ang mga magbubukíd.

3. Nása kalagayang sibilisado at maunlad.

Paglalapi
  • • pagkabihása: Pangngalan
  • • bihasáhin, mabihása, magpakabihása: Pandiwa
  • • pambihasà: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?