KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•la•mín

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang materyal na yarì sa kristal na makinis at natatagusan ng paningin.

2. Kasangkapang yarì dito na natatakpan ng manipis na metal ang likod at nagpakikíta ng repleksiyon ng anumang nakaharap dito.

3. Tingnan ang antipára

Paglalapi
  • • pagsasalamín, sálamínan: Pangngalan
  • • magsalamín, manalamín, masalamín, pagsalaminín, salaminín: Pandiwa
Idyoma
  • salaming babasagin
    ➞ Iniuukol sa mga dalaga dahil sa kanilang katauhang nangangailangan ng pag-iingat.
    Ang ating mga anak na babae ay parang mga salaming babasagin.
  • baság na salamín
    ➞ Dalagang nasirà ang pagkababae.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?