KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang gawaing lumalabag sa ipinag-uutos, maging ng batas o ng Banal na Kasulatan.
KASALÁNAN, PAGKAKASÁLA, BISÁLA

2. Maling naisagot o nagawa (sa pagsusulit o eksamen).

3. Hindi pagtama (kung sa tinutudla).
MINTÍS, LÁWAS

Paglalapi
  • • makasalánan, pagkakasála, pagsála: Pangngalan
  • • magkakasála, magkasála, nagkakasála, nagkasála, sumála: Pandiwa
Idyoma
  • sumasála sa oras
    ➞ Hindi kumakain ng makatlo sa maghapon dahil sa kahirapan.
    Laging sumasála sa oras ang mag-anak ni Leoncio.

sá•la

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Tingnan ang malî

2. Hindi tumama (kung sa baril).

sa•lá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paghahabi-habi ng patpát ng kawáyan.
LÁLA

sa•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagpaparaan ng tubig o iba pang kauri nitó sa anumang masinsing bagay upang maalis ang dumi o iba pang kahalong ibig ihiwalay.

Paglalapi
  • • pagsalà, panalà, salaán: Pangngalan
  • • ipansalà, ipasalà, magsalà, nagsalà, pasaláin, saláin, sinalà, sumalà: Pandiwa
  • • salâ: Pang-uri

sá•la

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

May pinsala sa katawan (tulad ng pilay, bali, atbp.).

sá•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.