KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•lî

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hindi alinsunod sa wasto o totoo.
Lima ang malî ni Leo sa pagsusulit kayâ’t muntik na siyáng hindi pumasá.
LIHÍS, BISÔ, LISYÂ, SINSÁY

2. Hindi sumunod sa kahilingan o tuntunin.
Malî ang ginawang guhit ni Juan sa asignaturang sining.

3. Hindi angkop, wala sa ayos.
Ang pagkakaayos ng mga appliances sa bahay nila ay malî .

Paglalapi
  • • kamalían, pagkakamalî: Pangngalan
  • • magkamalî, maliín, mamalî, mapagkamalán, pagkamalán: Pandiwa
  • • malî-malî: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?