KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

sa•bát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Panghihimasok ng isang tao sa pag-uusap ng iba na hindi siya kasali.
SABÁD, SAGBÁT, SALABÁD, SALIBÁT

2. Pakò, patpat, kahoy, tornilyo, atbp. na ginagamit na pangharang o pangkawit sa pinto, bintana, at mga katulad upang huwag bumukás.
HÁRANG, TRANGKÁ, TALÁSOK, TALÚSOK, SULPÂ

sá•bat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

SINING Palamuti sa mga banig na karaniwan ay bulay na kinulayan at isinasalit sa paglála.

Paglalapi
  • • sinabatán: Pangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?