KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

plá•ka

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
placa
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Sapad na bagay na ikinakabit sa mga sasakyán kung saan makikita ang nakarehistrong numero nitó.

2. Sapad at bilóg na bagay na may mga gilit-gilit na bilóg na tinatakbuhan ng karayom kapag ikinakabit sa ponograpo at nagbibigay ng tugtúgin.

3. Itim at nanganganinag na materyal na kinakikintalan ng larawan kung sa X-ray.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.