KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pí•lit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paggamit ng lakas o kapangyarihan sa kapuwa upang tanggapin nito ang isang bagay na labag sa kaniyang kalooban.
GIÍT

2. Matinding pagsisikap na makamit ang isang bagay o adhikain.

Paglalapi
  • • pagpupumílit: Pangngalan
  • • ipílit, magpipilít, magpumílit, magpílit, mamílit, mapilítan, pilítin, pumílit: Pandiwa
  • • mapílit: Pang-uri

pi•lít

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Labag sa kalooban; hindi naaayon sa likás na mangyayari.
Halatang pilít ang pagsáma niya sa galà natin.
PUWERSÁDO

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?