KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gi•ít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagpipilit sa kapuwa ng anumang bagay (lalo na ng isang kagustuhan o paniniwala).
Giít ng asawa niya, wala raw siyang balak magkaanak.
DILDÍL, PÍLIT

2. Pakikipagsiksikan sa isang masikip na pook.

Paglalapi
  • • giítan, manggigiít, paggigiít, paggugumiít, panggigiít: Pangngalan
  • • giitín, gumiít, igiít, ipaggiítan, maigiít: Pandiwa
  • • magiít: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?