KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dil•díl

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paulit-ulit na pagdidiin (gaya ng manggang isinasawsaw nang mariin sa asin).

2. Paggigiit o pagpupumilit ng anuman sa isang tao.

Paglalapi
  • • idildíl, magdildíl: Pandiwa
Idyoma
  • magdildíl ng asín
    ➞ Dumanas ng labis na kahirapan.
    Kahit na magdildíl pa kami ng asín, hindi akó mangangahas na magnakaw.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?