KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

pá•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
pasar
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

Paglilipat o pag-aabot ng anuman sa kapuwa.

Paglalapi
  • • ipinása, ipása, magpása, pasáhan, pinasáhan: Pandiwa

pá•sa

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Telang inilalagay sa sikmura ng sanggol upang hindi ito malamigan.
BIGKÍS

pa•sâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

MEDISINA Bahagi ng balát na nangingitim-ngitim dahil sa pagkabugbog.

pa•sá

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Pinagmulang Salita
pasar
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. Magtagumpay sa isang pagsusulit, kurso, pagsubok, o iba pang katulad.

2. EDUKASYON Magkaroon ng karapatang lumipat sa susunod na baitang (kung sa isang mag-aarál).

Paglalapi
  • • pasahán : Pangngalan
  • • ipasá, makapasá, mapasá, pinasá, pumasá: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?